Tagapagsalaysay:
Madilim, masukal, tahimik at mapanganib. Ito ang mga
katangian ng isang gubat na mapanglaw at dito rin magsisimula ang kwento ng matamis na pag-iibigan nila Florante at Laura.
Sa gitna ng gubat, may isang lalaking nakatali sa puno na animo'y binugbog ng paulit-ulit at hinabol ang kanyang hininga. Ang pangalan niya'y Florante.
Habang nakatali sa puno, sinasabi niya ang kanyang mga nakaraan at isa na rito ang Albanya, isang kaharian kung saan siya'y isinilang na ngayo'y nanganganib.
Florante: O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy,
nakikiusap, humihingi ng tulong niyo (bugtong hininga)
Patawarin niyo akong lahat dahil hindi ko nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa taksil at walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin! Napakapait ng aking buhay!
Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang ninanais. Pati si Duke Briseo na aking ama ay kanyang dinamay.
Tagapagsalaysay:
Sandaling nanahimik si Florante dahil sa sama ng loob
(umiyak sandali) matapos manahimik ay muli siyang tumawag sa Panginoon.
Florante: O aking Diyos Ama, tila yata di mo dinidinig ang aking mga
panalangin sa'yo. Hindi ko tuloy maalis saking isipan na ayaw nyo na akong tulungan.
Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at makakapitan kung ang Diyos mismo ay ayaw na akong tulungan!
Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na lang ako dahil Hindi kita naipagtanggol.
Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit, Laurang taksil! Paalam na sa inyo!
Tagapagsalaysay:
Habang nagdudusa si Florante sa gubat, isang Gererong
Morong nagngangalang Aladin ang dumating sa gubat na pagod na pagod at naghahanap ng pagpapahingahan.
Aladin: O, Flerida…… O tadhana, kay lupit mo, kinuha mo ang minamahal ko!
Tagapagsalaysay:
Habang si Aladin ay umiiyak at nagdudusa ay may narinig
siyang tinig sa kagubatan at pagkatapos ay may nakita siyang lalaki.
Aladin: O, ano yung tinig na aking naririnig? Tinig ng isang naghihinagpis na
tao. Sino kaya siya?
Florante: Talagang ako'y minamalas. Ako'y pinapahirapan sa kamay nang taksil
na si Adolfo. Si Adolfong malupit at higit pa sa halimaw kung manakit.
Aladin: Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y natapos nang siya'y
pinahirapan at pinagtaksilan.
Tagapagsalaysay:
Pagkatapos na marinig ni Aladin si Florante ay nagmuni siya
ng isang malaking problema.
Aladin: Tadhana'y masakit, problema ko'y napakahirap lutasin dahil sa aking
sintang inagaw.
Tagapagsalaysay:
Nagmamadali na si Aladin nang mapansing humina ang
boses na kanyang narinig…
Aladin: Kailangan ko ng magmadali kundi, Hindi ko na maabutan ang taong
iyon…
Tagapagsalaysay:
Habang tumatakbo ay hinahawi niya ang mga sagabal sa
pamamagitan ng kanyang kalis. Nang Makita niya ang nakagapos ay napansin niyang may nakapalibot ditong dalawang leon. Siya ay naghanda at nilusob ang mga leon. Pagkatapos niyang mapatay ang dalawang leon ay pinakawalan niya si Florante.
Aladin: Parang nakita ko na ang taong ito?
Tagapagsalaysay:
Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si Florante at……
Florante: Laura nasaan ka? Tulungan mo akong makaalis dito…
Tagapagsalaysay:
Hindi na sumagot si Aladin at baka sa kawalang pag-asa ay matuluyan na si Florante…
Florante: Sino ka at bakit ako narito?
Aladin: Magpahinga ka na lang. Ako ang nagligtas sa iyo.
Florante: Hindi mo ba napapansin na tayo ay magkaaway?
Aladin: Marahil, pero ika'y nangangailangan ng tulong.
Florante: Siguro nga ay patay na ako kung Hindi ka dumating. Ngunit ang
pagkamatay ang siyang tunay kong kaligayahan.
Aladin: Hangal! Hindi mo ba alam na dinadagdagan mo lang ang iyong pasakit?!
Tagapagsalaysay:
Hindi nagpansinan ang dalawa ngunit isinama ni Aladin si
Florante sa kanyang pagpapahingahan at doon sila nagpalipas ng gabi.
Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin na malakas na si Florante kaya ito'y kanyang niyakap.
Florante: Maraming salamat sa lahat ng tulong mo kaibigan!
Tagapagsalaysay:
Inaliw ni Aladin si Florante ngunit napansin nitong
malungkot pa rin siya.
Aladin: Ano ba ang iyong problema? Maaari ko bang malaman?
Florante: Sige. Sisimulan ko ang aking kwento simula ng ako'y ipinanganak.
Tagapagsalaysay:
Ang dalawa ay naupo upang magkuwetuhan.
Florante: Pinanganak ako sa bayan ng Albanya kung saan si Duke Briseo,
ang aking ama, ay naninirahan. Ang ina ko na si Prinsesa Floresca ay nakatira sa Krotona. Ako ay pinangalanan nilang Florante.
Noong sanggol pa lamang ako ay muntik na akong dagitin ng isang buwitre. (sinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)
Prinsesa Floresca: Florante! Tulong!
Menalipo: Bakit po anong problema?
Florante: Nakita ng pinsan kong si Menalipo na ako ay dadagitin ng buwitre
kaya Dali-Dali niya itong pinana at napatay. At noon namang naglalakad ako ay kinuha ng isang areon sa aking dibdib ang aking Cupidong Dyamante. Buti na lang at Hindi ako napahamak. (isinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)
Nang ako'y naging siyam na taong gulang ay lagi akong nasa burol at dala ang aking pana't busog at ako'y naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag ako'y napagod ay nagpapahinga at naliligo ako sa batis kung saan masasayang nag-aawitan ang mga nayades habang tinutugtog nila ang kanilang lira. Ang kanilang tawana'y nakapagpapawala ng aking pagod. (sinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)(nagkakantahan ang mga nayades)
Pagkalipas ng ilang taon ay pinag-aral ako ng aking ama ngunit ayaw pumayag ng aking ina dahil ako'y lilisan.
Prinsesa Floresca: Bakit kailangan pa niyang umalis?
Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo roon. Kung Hindi siya mag-
aaral ano ang kanyang magiging kinabukasan.
Pronsesa Floresca: Sino ang mag-aaruga sa kanya roon?
Duke Briseo: Aalagaan siya ng kanyang mga guro't kaibigan doon.
Florante: Sa mga sinabi ng ama ko ay nakumbinse niya si ina upang ako'y
lumisan.
Tagapagsalaysay:
Sa pagdating ni Florante sa Atenas…
Antenor: Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala si Antenor at ako ang
magiging guro mo dito sa Atenas.
Florante: (malungkot na malungkot) Salamat po!
Antenor: O, bakit tila kay lungkot mo?
Florante: Ayaw ko po kasing umalis sa Albanya.
Antenor: Hayaan mo, lilipas din yan.
Tagapagsalaysay:
Sa isang buwang pagtigil ni Florante sa Atenas ay
kapansin-pansin na palagi siyang tulala at di makakain.
Isang araw habang naglalakad si Florante ay nakasabay niya si Adolfo, ang kanyang kababayan. Napansin niya ang pinong pagkilos nito.
Makaraan pa ang anim na taong pag-aaral……
Antenor: Binabati kita Florante! May talento ka sa pilosopiya, astrolohiya at
matematika.
Florante: Salamat po!
Tagapagsalaysay:
Dito nagsimulang magalit si Adolfo dahil nasasapawan na
siya ni Florante.
Isang hapon, tinipon ni Antenor ang mga estudyante.
Antenor: Magkakaroon ng pagsasadula ng trahedya ng dalawang Apo. Si
Florante ang mangunguna bilang Polinise at si Adolfo bilang Etyokles.
Tagapagsalaysay:
Nang magsimula na ang dula-dulaan. Nanlisik ang mata ni
Adolfo kay Florante.
Adolfo: (Handa nang paslangin si Florante) Ikaw ang umagaw ng kapurian ko,
dapat kang mamatay.
Menandro: (Sinaklolohan si Florante) Adolfo, itigil mo ang iyong kahibangan.
Tagapagsalaysay:
Natapos ang pagdiriwang at di na nakita si Adolfo.
Makalipas pa ang isang taon, isang sulat ang dumating para kay Florante.
*babasahin ang sulat*
Florante:(malungkot) HINDI!!!!!Mahal na ina, bakit mo ako iniwan? Di man lang tayo nagkita sa matagal na panahon. HINDI!! Hindi ka maaring mamatay!(walang patid ang pag-iyak)
Tagapagsalaysay:
Dalawang buwan pa si Florante sa Atenas bago dumating
ang kanyang sundo.
Florante: Maestro, paalam na po.
Antenor: Florante, tandaan mo palaging mag-iingat kay Adolfo.
Florante: Salamat po sa lahat. Tatandaan ko po ang inyong bilin.
Menandro: Mag-iingat ka Flortante. Kapag kailangan mo ng tulong ay nandito
lang kami.
Antenor: Menandro, sumama ka kay Florante sa Albanya.
Menandro: Salamat po.
Florante at Menandro: Paalam na po.
Tagapagsalaysay:
Pagdating sa Albanya……
Florante: (humalik sa kamay ng ama) O aking ama!
Duke Briseo: (niyakap ang ama) O bunso.
Tagapagsalaysay: Biglang may dumating na isang mensahero.
Mensahero: Magandang araw po.Humihingi ng tulong ang Krotona sa inyo dahil nanganganib po na masakop ni Heneral Osmalik.
Duke Briseo: Asahan niyo ang tulong namin. Florante, pupunta tayo kay haring Linceo.
Tagapagsalaysay: Pagdating sa palasyo, sinalubong sila ni Haring Linceo.
Duke Briseo: Mahal na hari, ang aking anak na si Florante.
Haring Linceo: Ah, ang binata sa aking panaginip. Siya ang papalit sa aking
trono. Pansamantala pamunuan mo ang hukbong patungo sa Krotona.
Tulungan mo ang iyong ninuno doon at magkamit ng karangalan.
Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng iyong kahusayan sa
Atenas. Walang pagdududa na iyong namana ang mga katangian ng iyong
ama.
Florante: Maraming salamat po sa papuri. Ginawa ko lang po ang nararapat.
Tagapagsalaysay:
Kasilayan ni Florante si Laura sa hardin ng palasyo.
Florante: Maari ko po bang malaman kung ano ang pangalan ng magandang
binibining iyon?
Haring Linceo: Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang kami ng iyong ama.
Tagapagsalaysay:
Pumasok si Haring Linceo sa loob ng palasyo at nilapitan
naman ni Florante si Laura.
Florante: Magandang umaga sa iyo prinsesa. Kanina pa kita napapansin.
Laura: Magandang umaga, Florante. Salamat sa papuri. Lagi kang
ikinukwento sa akin ng iyong ama.
Florante: Sana'y makilala pa kita ng lubusan.
Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at aalis ka na rin.
Florante: Oo nga. Halika Laura, pumasok na tayo at magsisimula na ang
piging.
Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng tatlong gabing piging…
Haring Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante. Dapat ka ng maghanda para
bukas.
Florante: Maraming salamat po sa paalala. Magandang gabi rin po.
Tagapagsalaysay: Kinabukasan…
Duke Briseo: Handa ka na ba? Malayo ang iyong lalakbayin.
Florante: Handa na po aking ama. Karangalan ko po ang maglingkod sa inyo,
Haring Linceo.
Haring Linceo: Mabuti kung ganon. Mag-iingat ka.
Florante: Salamat po.
Laura: Mag-iingat ka Florante, ipangako mong babalik ka.
Florante: Pangako, Laura.
Laura: Paalam.
Florante: Paalam sa inyong lahat. Mga kawal, tayo ng lahat!
Tagapagsalaysay:
Pagdating nila Florante sa Krotona, nakita nila ang hukbo ni Heneral Osmalik.
Osmalik: Sugod!
Florante: Sugod!
*digmaan*
Natitirang kawal ni Osmalik: Nasan ang kalaban?! (makikita sila Florante, Menandro at isa pang kawal) Isa… Dalawa… Tatlo… Takbo!
Florante: Nanalo tayo!! Mabuhay ang Albanya!
Mga kawal: Mabuhay!!
Florante: Mga kawal, babalik tayo sa Albanya.
Tagapagsalaysay:
Sa pagnalik nila sa Albanya ay may nakasalubong silang mga di-binyagan na may dalang isang babae.
Di-binyagan: Sino kayo at bakit kayo narito?
Florante: Kami'y mga taga-Albanya./ Pakawalan niyo ang babaeng iyan!
*labanan*
Florante: Binibini, mawalang-galang na pero ngayon lang kita nakita rito.
Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?
Laura: Ako ito, Florante. Si Laura.
Florante: Laura? Bakit ka nandito?
Laura: Gusto ko lang malaman ang iyong kalagayan.
Florante: Salamat sa pag-aabala. Kamusta ka na? Sana'y naging mabuti ka.
Laura: Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. May
bayang malapit dito na pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya. Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Paano kung...
Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.
Tagapagsalaysay:
Makalipas ang ilang linggo…
Florante: Nanalo ulit tayo!!!
Haring Linceo: Salamat naman at dumating ka.
Florante: Ginawa ko lang po ang aking tungkulin.
Tagapagsalaysay:
Matapos noon ay bumalik na ang lahat sa Albanya.
Haring Linceo: Florante, pasensya ka na ngunit ipapadala ulti kita sa Etolya
para lumaban sa mga turko. Mag-ingat ka.
Florante: Pupunta po kami kaagad.
Tagapagsalaysay:
Makalipas ang ilang araw ng paglalakbay…
Miramdin: Kapag nakita niyo na sila ay sugurin niyo kaagad.
Florante: Sugod!!
*digmaan*
Tagapagsalaysay:
Makalipas ang ilang araw…
Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat galing kay Haring Linceo.
Florante: Maraming salamat, maaari ka ng umalis.
Tagapagsalaysay:
Pagkatapos basahin ni Florante ang liham, pinatawag niya si Menandro.
Florante: Menandro, babalik ako sa Albanya, pinapupunta ako ng hari. Ikaw
muna ang mamahala dito.
Menandro: Ikararangal ko ito.
Tagapagsalaysay:
Umuwi si Florante sa Albanya nang nag-iisa. Pagdating
niya ay pinaligiran siya ng mga kawal.
Florante: Anong ibig sabihin nito?!
Kawal2: Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan.
Tagapagsalaysay:
Dinala si Florante sa palasyo at nakita si Adolfo.
Adolfo: Kamusta na Florante? Matagal na tayong Hindi nagkakausap.
Kuwentuhan mo naman ako.
Florante: Walang hiya ka!! Anong ginawa mo kay Laura?!!
Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko..
Magpaalam na ang iyong amang si Duke Briseo.
Florante: Papatayin kita, papatayin kita!
Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko…
Tagapagsalaysay:
At doon nagwakas ang pagsasalaysay ng buhay ni
Florante…
...
Florante: At ganoon nga ang nagyari.
Aladin: Hayaan mong ako naman ang magsalaysay ng aking buhay… Ang ngalan ko'y Aladin mula sa syudad ng Persya. Anak ng bantog na sultan Ali-
Adab. Kaya ako nandito dahil ako ay pinagtaksilan ng sarili kong ama.
Tagapaagsalaysay: Sasmantala, sa kabilang bahagi ng kagubatan….
Laura: Anong gagawin mo sakin?! Saan mo ko dadalhin?!
Adolfo: Sumama ka na lang!
Flerida: Itigil mo yan!
(pinana ni Flerida si Adolfo at napatay)
Aladin: (maririnig sila Flerida at Laurang nag-uusap ngunit Hindi nila alam na
sila pala ito) Huh?!... Nakarinig ka ba ng mga nag-uusap?
Florante: Oo, halika't hanapin natin kung saan ito nagmumula. (pinakinggan
nila ito)
Flerida: Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang aking minamahal, ako ay nagmakaawa sa hari na huwag na itong ituloy, matapos nito, ako ay nagdamit gerero upang makatakas sa kaharian.
Tagapagsalaysay: Di na nakatiis si Florante at Aladin… Kaagad nilang
nilapitan ang kanilang sinisinta. Wari bang sabik sa pagmamahal ng isa't-isa.
Florante: O Laura aking mahal kay tagal nating Hindi nagkita!
Laura: Mahal ko!
Aladin: Flerida! Aking sinta!
Flerida: O Aladin…
Florante: Pano ka napadpad dito, Laura?
Laura: Hayaan mong ikwento ko ang mga nangyari sakin sa bingit ng
kamatayan…
(malungkot at iiyak) Nang ikaw ay mawala, naging magulo na ang bayan. Madalas akong pagtangkaan ni Adolfo… Higit pa dito, pinaslang niya ang aking amang hari at maging ang iyong ama na si Duke Briseo.
Flerida: Ako'y nahabag kay Laura ng makita kong nilalapastangan siya ni
Adolfo kaya kinuha ko ang busog at palaso at pinana ko sa dibdib ang walag-awang hangal.
Florante: Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating lahat. Ngunit ngayon ay
masaya na tayong lahat at magkakasama.
Tagapagsalaysay:
Habang sila ay nag-uusap ay dumating si Menandro at ang
kanyang mga sundalo. Dapat ay hahanapin nila si Adolfo upang singilin sa kanyang mga kasalanan nang Makita nilang maayos na ang lahat..
Matapos ang sandaling pag-uusap ay bumalik ang lahat sa Albanya. Masaya ang mga tao na nakita silang maayos na nakabalik. Kaagad naman dinaos ang kasal Nina Florante at Laura at maging Nina Aladin at Flerida matapos sila kapwa magpabinyag.
Aladin: Florante, ako muna ay panandaliang magpapaalam sayo. May nagbalita kasi sa akin na sumakabilang buhay na ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan. Sa kabila ng mga kasalanan niya sakin, siya'y mananatiling ama ko pa rin. Ako ang papalit sa puwesto niya kaya't matatagalan bago tayo magkita muli. Ipinapangako namin na kami ay babalik dito upang kamustahin kayong mag-asawa. Paalam kaibigan!
Tagapagsalaysay: Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo ay
pinalitan sila ni Florante. Sa kanyang, paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng kaharian. Namauli ang kapayapaan, umunlad muli at bumalik rin sa dati ang mga tao.

No comments:
Post a Comment